- This event has passed.
Pagtitipon
Sunday, 7 January, 2024, 6:00 pm
Free and open to the public

Ang PAGTITIPON ay isang palabas na kinabibilangan ng Balangay Dance Troupe and Rondalla, ang Philippine Maharlika Dance Artists Inc. at ang Folklorico Filipino Dance Company. Tatlong grupo ng mga mananayaw at musikero ng magtatanghal ng mga katutubong sayaw na sasamahan ng musikang Filipino na magtatanghal sa unang Linggo ng Enero sa Rizal Park Open-air Auditorium (Concert At The Park) ng ika-6 ng hapon.
Ang palabas ay iba’t ibang interpretasyon ng mga kaurian ng mga sayaw: mula sa katutubong Cordillera, sa pormal at matimyas na Maria Clara, sa makulay na Muslim na magtatapos sa mga kasiglahan sa kanayunan at Kristiyanong paniniwala na lubos na Pilipino.